Saturday, February 9, 2008

ZTE hearing: Part 2 of Rodolfo Lozada Jr's testimony

So, two weeks po ata iyon so nung Martes pumunta ako kay Deputy Executive Secretary Manny Gaite. Nobody knew my role. Very few people knew my role so pinagpaliwanag uli ako ng mga tao ni Manny Gaite at nung nandoon na siya.

Sabi niya ganun uli, 'Anong gusto mo?' I've been very consistent sa buhay ko. Inulit ko sa kanila, 'wag n'yo na lang hong paratingin sa Senado. Patigilin 'yung death threats. Kung sakaling hindi n'yo mapipigilan ang Senado, baka hindi ako maka-ano.. I have to tell them the truth under oath.

Sabi nung mga tao ni Deputy Secretary Gaite na pinag-aaralan iyong mga legal remedies para 'wag ako makarating sa Senado, sabi nung mga tao ni Dep. Sec. Gaite, mukhang wala silang makitang legal remedy to stop the Senate from getting me.

So, (they) decided right there and then siguro after lunch, sabi nila kailangan lumabas si Jun. So, inayos po nila 'yung travel documents ko.

Pinagawa ako ng mga travel request, pina-ante-date at pinaalis po ako papuntang Hong Kong.

At pagpunta ng Hong Kong, akala nila pagkatapos ng hearing na iyon, closure report na ang NBN-ZTE.

Makakabalik na po ako ng Pilipinas kasi tapos na. So iyon po, kaya ako umalis. Wala po akong balak mambastos ng senador pero naniniwala ako na habang ako ay nasa gobyerno, l will toe the government line. (end of Part2)
Source:GMANews.TV

No comments: